^

Metro

Lalaki dedo sa pagsabit sa estribo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos na umano’y mahulog habang nakasabit sa estribo ng isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Frankie Castro, 43, empleyado ng gobyerno, at residente ng  Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Elliptical Road, malapit sa Commonwealth Avenue, ganap na alas-7:30 ng gabi habang ang biktima ay nakasabit sa estribo ng pampasaherong jeepney (DET-781) na minamaneho ng isang Andrew Pores, 34. Ilang sandali pa, bigla na lamang umanong nahulog ang biktima sa kalsada na nagresulta upang magtamo siya ng matinding pinsala sa buong katawan.

Nagawa pang maitakbo ng driver ang biktima sa East Avenue­ Medical Center, pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

vuukle comment

ANDREW PORES

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE

ELLIPTICAL ROAD

FRANKIE CASTRO

ILANG

MEDICAL CENTER

NAGAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with