^

Metro

Curfew sa Maynila pinaigting: 20 menor-de-edad dinampot

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpapa­igting ng curfew sa lungsod ng Maynila, umaabot naman sa 20 menor-de-edad ang  dinampot  sa apat na ba­rangay sa Sampaloc, Maynila.

Sa ipinatutupad na curfew,ginalugad ng mga awtoridad ang apat na barangay sa Sampaloc dahil sa pakalat-kalat na mga bata sa lansangan sa kalaliman na ng gabi.

Batay sa Manila City Ordinance No. 8046, mahigpit na pinagbabawalan ang mga menor-de-edad na gumala o tumambay sa kalye mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

Nagreklamo naman ang ilang magulang ng mga bata dahil nasa tapat lang naman anila ng kanilang bahay tumatambay ang mga anak nang mahuli.

Ipinakita pa sa media ng isang magulang ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) ng puwersahang pag­­ hatak sa kanyang anak habang ito ay kanyang hawak-hawak.

 

BATAY

IPINAKITA

KASABAY

MANILA CITY ORDINANCE NO

MAYNILA

NAGREKLAMO

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with