^

Metro

8 suspect arestado 6-anyos patay sa gulpi ng kidnappers

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 6-an­yos na batang lalaki makaraang bugbugin ng grupo ng lalaki na dumukot sa kanya at sa kapatid nitong babae sa Makati City nitong Martes ng gabi.

Nadiskubre ang bangkay ng nasawing paslit na si Da­niel Lebosura, sa gilid ng riles ng tren sa Magallanes malapit sa Don Bosco sa Ma­kati City kahapon ng umaga.

Ang 9-taong gulang nitong kapatid na babae ay na­­tag­puan naman ng mga concerned citizen na umiiyak sa may Osmeña Highway ma­lapit sa hangganan ng Ma­kati at Pasay City. Sinamahan na­­man ng mga ito ang bata sa bahay ng kanyang ina na siyang humingi ng saklolo sa Pasay Police.

Agad namang nagsa­ gawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng Pasay City Police nang ma­gawang ma­ituro ng nakaligtas na batang babae ang ilan sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa walong mga suspek.

Tumanggi naman si Pasay Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca na panga­ lanan ang mga nadakip dahil sa isasagawa pang follow-up ope­rations.

Ayon sa ina ng mga biktima na si Helen Lebosura, 36, ng Gamban St., Pasay,  dinukot ang kanyang mga anak dakong alas-10 ng gabi nang magtungo siya sa Evangelista St., sa Makati upang huma­ngo ng panindang balut. Bigla umanong nawala ang mga bata nang kanyang makaligtaan ang mga ito. 

Ayon sa batang babae, di­nala sila sa isang lugar ma­lapit sa riles ng tren sa may South Superhighway.  Kung anu-ano umano ang pi­­napagawa sa kanila ng mga lalaki kabilang ang pagpapakain ng panis na pagkain. Kapag hindi sila sumusunod, ginugulpi umano sila sanhi ng pagkasawi ng kanyang kapatid na pinatay sa sakal.

Minolestiya pa umano siya ng ilan sa mga suspek na pilit na ipinasusubo sa kanya ang mga ari habang  isa sa mga ito ang nagpasok ng daliri sa kanyang ari. Pinakawalan la­mang siya ng mga suspek nang ma­walan ng malay ang bunsong kapatid dahil sa panggulpi.

Samantala, inamin ng na­dakip na suspect na si Anthony David, 24-anyos, ang pagdukot sa mga bata at panggahasa sa batang babae at pagpatay sa batang lalaki dahil sa maingay daw ito saka itinapon ang bangkay sa gilid ng tinu­tuluyang bodega.

Nadakip si David ng Pa­say police dakong ala-1:30 ng hapon sa seawall ng Maynila sa Roxas Blvd.

Patuloy ngayon ang im­bes­tigasyon ng pulisya sa insidente habang biniberepika ang kaugnayan ng mga nadakip na suspek sa krimen.

vuukle comment

ANTHONY DAVID

AYON

DON BOSCO

EVANGELISTA ST.

GAMBAN ST.

HELEN LEBOSURA

PASAY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with