^

Metro

Tangke ng kemikal pinasingaw

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinugod sa pagamutan ang ilang residente matapos mahilo at magsuka makaraang makalanghap umano nang pina­singaw na kemikal ng mga hindi pa kilalang mga lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga dinala sa Manila Central University Hospital sina John Reyes, Je­rome Lagmay; Efren Villa­nueva;  Erika Eros, at Abdulaman Limpasan, ng Bagong Barrio ng naturang lungsod dahilan sa pagsusuka.

Samantala, blangko pa ang Caloocan City Police kung sino ang mga suspect na responsable sa pagpapasingaw ng ke­mikal. Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-9:00 ng gabi sa lugar ng mga biktima.

Nabatid na sadya uma­nong  pinasingaw ng mga suspect  ang lumang tangke ng kemikal at nang malanghap ng mga biktima ay agad na nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Ilang residente ang su­mita­ sa mga suspect na agad nagtakbuhan at iniwan ang tangke.

 

vuukle comment

ABDULAMAN LIMPASAN

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EFREN VILLA

ERIKA EROS

JOHN REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with