^

Metro

Taxi driver hinoldap na, sinaksak pa ng 2 pasahero

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinoldap, iginapos at sinak­sak bago itinapon ang isang taxi driver ng dalawang hindi pa kilalang naging pasahero nito, kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Ginagamot sa Tondo Me­dical Center sanhi ng saksak sa mga kamay ang biktimang  si Noel Villanueva, 49, ng P. Benites St., Paco, Manila.

Sa pahayag ng biktima sa mga kagawad ng Navotas City Police, dakong alas-7:30 ng gabi, naisakay niya sa pi­na­pasadang taxi Route 97 (UVD-998) sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City ang da­lawang sus­pect at nagpahatid sa Mauban St., ng naturang lungsod. Pasapit sa nasabing lugar ay naglabas ng patalim ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.

Nilimas ng mga suspect  ang P2,100 kinita  ng biktima at wallet na naglalaman ng lisensiya at Cherry Mobile na cellphone. Iginapos ng packa­ging tape ang mga kamay, paa at mukha ng driver bago pinahiga sa sahig ng taxi at na­ramdaman ni Villanueva na bu­miyahe sila ng ilang sandali.

Habang nasa biyahe, isa sa mga suspek ang umunday ng saksak sa dibdib ng biktima subalit masuwerteng sa mga kamay tumama na na­ging dahilan upang magkunwaring patay si Villanueva.

Pagsapit sa Virgo Drive, North Bay Boulevard South, Navotas City ay inihulog sa taxi ang biktima bago tumakas ang mga suspect dala ang taxi. Ilang residente ang naka­kita sa biktima na na­ging dahilan upang kalagan at samahan sa presinto bago dinala sa nabanggit na ospital.

 

vuukle comment

BENITES ST.

CHERRY MOBILE

MAUBAN ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NOEL VILLANUEVA

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with