^

Metro

Taxi driver, hinoldap ng 2 pasahero

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang taxi driver ang hinoldap ng kanyang dalawang pasahero kamakalawa ng gabi sa Quezon City. 

Kinilala ang biktimang si Erlindo Labastida, 28, na nagsabing ang mga hol­daper ay kanyang naisakay sa may Gateway Mall sa Cubao.

Sinabi ni PO3 Wilnor Agudo, ng Talipapa police station na ang isa sa suspek sa panghoholdap ay may dalang baril at ang isa ay may dalang patalim.

 Sinasabing alas-11 ng gabi kamakalawa nang sumakay ang mga suspek sa taxi ng biktima at nagpapa­hatid sa Quirino Highway sa Brgy. Baesa.

Pagdating sa naturang lugar ay doon nagdeklara ng holdap ang mga suspek

Nakuha kay Labastida ang mahigit P9,000 isang cellphone, relo, ATM card, at ang kanyang drivers’ license.

Makarang makuha ang gusto, umalis na agad ang mga suspek gamit ang kan­­yang kulay puting Nissan Sentra taxi na Mindoro Lady  (UVP 921).

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

BAESA

BRGY

ERLINDO LABASTIDA

GATEWAY MALL

MINDORO LADY

NISSAN SENTRA

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

WILNOR AGUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with