^

Metro

65-anyos hulog sa bubong, lasog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 65-anyos na empleyado ng Department of Public Safety  (DPS) ng Manila City Hall nang mahulog mula sa kinukumpuning bubu­ngan ng slaughter house sa Tondo, Maynila,  ka­ha­pon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Lorenzo Palileo, karpintero at nakatalaga sa Vitas, Slaughter house at residente ng Gerona St., Tondo makaraang mabasag ang ulo at magka­bali-bali pa ang buto.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa compound ng slaughter house sa Vitas, Tondo, Manila.

Ayon sa salaysay ni Rodel Enriquez, 33, hel­per, umakyat ang biktima sa bubong ng slaughter house upang kumpunihin ang mga butas na yero nito.

Habang ginugupit uma­­no ng biktima ang yero na ipapalit sa luma ay bumigay ang tinapakan nitong pamakuan at nahulog kung saan nauna umano ang ulo nito na bu­magsak sa semento.

vuukle comment

AYON

DAKONG

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY

GERONA ST.

LORENZO PALILEO

MANILA CITY HALL

RODEL ENRIQUEZ

SHY

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with