Not guilty plea, inihain ng ‘torture cop’
MANILA, Philippines - Not guilty plea ang inihain ng tinaguriang ‘torture cop’ ng MPD na si Senior Inspector Joselito Binayug sa Manila Regional Trial Court matapos na akusahan ng pagpapahirap sa isang suspect sa loob mismo ng presinto sa Maynila noong 2010.
Ayon kay Binayug, wala siyang kinalaman sa kaso at walang nilalabag na Republic Act 9745, or the Anti-Torture Act laban kay Darius Evangelista na sinaÂsabing pinahirapan ng una na nakunan naman ng video. Si Evangelista ay suspect sa pagnaÂnakaw.
Si BinaÂyug ay inaÂÂresto matapos na magpa-renew ng kanyang driver’s license sa Land Transportation Office (LTO)-Tayuman noong Lunes.
Sinabi ng mga kaÂmag-anak ni Evangelista, nawala si Darius ng isang taon hanggang sa mangyari ang torture.
Itinakda naman ang pagdinig sa kaso sa Hunyo 19.
Matatandaan na inirekomenda ng Department of Justice(DOJ) noong nakaraang taon ang pagsasampa ng kaso laban kina Binayug, at anim na iba pa na kinabibilangan nina Supt. Rogelio Rosales, commander ng Manila Police District Meisic Police Station 11 sa Binondo Manila, SPO3 Joaquin de Guzman, SPO1 Rodolfo Ong, SPO1 Dante Bautista, PO1 Nonito Binayug, at PO1 Rex Binayug. Agad din namang sumuko si Rex.
Batay sa reklamo, kitang-kita sa video ang pagpapahirap ni Binayug kay Evangelista kung saan nakatali ang ari nito at hinihila ng paulit-ulit.
- Latest