Nagbigti, naglaslas ng pulso, uminom ng Domex estudyante ng Lyceum nag-suicide ‘
MANILA, Philippines - Tila siniguro ng isang computer science student na hindÂi na siya mabuÂbuhay matapos itong uminom ng panlinis ng banyo, maglaslas ng pulso at magbigti kahapon ng madaÂling-araw sa Tondo, Maynila.
Idineklarang dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital si Daryl Tolentino, 17, 1st year student sa Lyceum of the Philippines at residente ng Velasquez St., Tondo, Maynila.
Ayon kay SPO3 Rodelio T. Lingcong ng MPD homicide section natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-5 ng madaling-araw sa loob ng kuwarto nito.
Sinabi ni Jay Tolentino, tiyuhin ng biktima na tumawag ang ina ni Daryl kung kaya’t pinuntahan niya ang huli sa kuwarto nito. Si Jay ang tumatayong guardian ng biktima.
Laging gulat niya nang makita na nakaÂbigti na ito gamit ang isang kumot, laslas ang pulso at may isang bote ng Domex sa kuwarto nito.
Hindi pa malinaw sa pulisya kung ano ang posibleng dahilan nang pagpapakamatay ng binatilyo, gayunman nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon upang maÂÂlaman kung may foul play sa pagkamatay nito.
- Latest