^

Metro

Kotse ni MMDA Chairman Tolentino sinalpok ng kotse ng diplomat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalpok ang sasakyan ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino ng sasakyan ng ‘di-kilalang diplomat noong Biyernes ng gabi sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Pasay City.

Ayon sa ulat, lulan ng Honda Civic si Tolentino na minamaneho ni Reynaldo Ramos nang salpukin ng puting Mitsubishi Montero ang likurang bahagi ng kanilang kotse.

Kaagad na bumaba si Tolentino para komprontahin ang driver ng Montero subalit sinisi pa siya ng di-kilalang lalaki na diplomat dahil sa mabagal magpatakbo sa main road.

Nabatid na ang di-kilalang diplomat ay sinasabing nagmamadali para sa meeting ng isa ding diplomat.

Tinangka namang habulin ni Tolentino ang sasakyan ng diplomat matapos magtangkang tumakas habang humingi naman ng tulong ang driver na si Ramos sa traffic enforcers.

Ayon pa kay Tolentino, tinakasan din ng diplomat ang traffic enforcers sa panulukan ng Taft Avenue matapos ibigay ang mga papeles ng Montero.

Nabatid din ang driver ng Montero ay walang driver’s license at maging ang diplomat ay sinasabing arogante at nakainom ng alak nang maganap ang insidente.

Hindi naman masyadong nasira ang likuran ng kotse ni Tolentino  subalit susulatan niya ang embahada kung saan nakatalaga ang di-pinangalanang diplomat.

vuukle comment

AYON

DIPLOMAT

FRANCIS TOLENTINO

HONDA CIVIC

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MITSUBISHI MONTERO

NABATID

PASAY CITY

REYNALDO RAMOS

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with