^

Metro

‘Tulak’ na brgy. tanod, timbog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ele­­mento ng Philippine Drug Enforcement Agency­ (PDEA) ang isang ‘tulak’ na barangay tanod sa isinagawang operasyon kamakailan. 

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.  ang nahuling suspek na si Mario Inoc,  ng Brgy. Poblacion, Cordova, Cebu. Ang nadakip ay kabilang sa drug watch personalities sa rehiyon. 

Si Inoc ay naaresto sa Sitio Calan, Brgy. Poblacion, Cordova, Cebu ma­tapos bentahan ng shabu ang isang poseur-buyer ng PDEA.

Nakuhanan pa ng ka­­ragdagang anim na sachet ng shabu ang suspek matapos itong reki­sahin ng mga awtoridad.

Dahil dito,  ang  suspek ay nahaharap nga­yon  sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II , Republic Act 9165.

 Kaugnay nito binalaan ng PDEA ang mga   barangay chairmen na mag-ingat sa pagkuha ng kanilang mga tanod upang hindi mapa­sukan ng masasamang elemento ang pamunuan gamit ang posisyon sa barangay hinggil sa paggawa ng iligal.

 

BRGY

CEBU

CORDOVA

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

MARIO INOC

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with