UP coed walang pang-tuition, naglason
MANILA, Philippines - Problema umano sa pera o pambayad ng tuition fee ang dahilan ng pagpapakamatay gamit ang silver cleaner ng isang freshman ng University of the Philippines (UP) Manila, kahapon ng madaling-araw.
Kinumpirma ni Professor Andrea Martinez ng UP-Manila na si Kristel Tejada, 16, at 1st year Behavioral Science, ay uminom ng kemikal na silver cleaner sa kanilang bahay sa J. Abad Santos sa Tondo, Maynila dakong alas-3:00 ng madaling-araw.
Bigo nang maisalba pa ng mga doktor ang biktima nang isugod ng mga magulang sa Metropolitan Medical Center, na ayon sa ina umano ay umuungol pa nang madiskubre ang pag-inom ng silver cleaner.
Ayon pa kay Prof. Martinez, guro ng biktima, hindi rin makapaniwala ang mga ito sa sinapit ng kanilang anak.
Sinabi pa ni Martinez na noong nakaraang linggo lamang ay nag-file ang biktima ng leave of absence mula sa UP dahil hindi ito nakapagbayad ng kanyang tuition fee.
Mula umano nitong buwan ng Pebrero ay hindi na nakakapasok ang biktima dahil bukod sa problemang pinansiyal, may problema rin umano ito sa pamilya.
Madalas daw ay nakakausap ni Prof. Martinez si Kristel at nito lamang Miyerkules ay nag-text ito sa kanya at ipinaalam na hindi siya okay o hindi maayos ang kanyang kondisyon.
Noong Lunes umano ay nagpost pa ito ng status sa kanyang facebook account kung saan kanyang inilagay ang mensaheng “I hope, I will be missed.â€
Batay din umano sa kwento sa kanya ni Kristel, malaki ang epekto sa kanya ng paghinto sa pag-aaral dahil siya ang panganay sa kanilang 5 magkakaÂpatid at gusto niyang siya ang magtaguyod sa mga nakababatang kapatid at magulang.
Ang ama ni Kristel ay isa umanong part time taxi driverÂ, habang ang ina naman nito ay walang trabahoÂ.
- Latest