^

Metro

Ilong, mukha sabog: Lalaki ginawang punching bag ng pulis, utol

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis at kapa­tid nito ang inireklamo ng 36-anyos na lalaki ma­tapos na gawing punching bag ang kanyang mukha nang  dumaan sa pinaglalaruang basketball court ng magkapatid sa Tondo, Maynila noong Biyernes ng gabi.

Kahapon ay  personal na nagreklamo sa Manila Police District General Assignment Section ang biktimang si Christopher David, 36, ng Favia St. Tondo, Maynila laban kina PO2 Jeffrey Laus,  32, ng MPD-PS1, at ka­patid na si Jayco.

Sabog ang ilong at namamaga ang mukha ng biktima matapos na gawing punching bag ng  magkapatid na Laus dakong alas-6:30 ng gabi.

Nabatid na naglalaro  ang magkapatid na suspect nang dumaan si David na huminto  muna upang hindi magambala ang paglalaro ng pulis at kapatid nito.

Isang hindi tinukoy na lalaki ang umano ay nagpa-go sa biktima  kaya pinaandar niya ang kanyang motorsiklo lulan ang 6-taong gulang na anak.

Nang nasa gitna na  umano ng kalsadang court si Laus,  sinabihan umano siya ng “para kang di taga-Favia” at sinagot naman niya na “huminto naman ako ah”.

Tinangka umano ng biktima na kausapin ang pulis at pagbaba niya sa motorsiklo ay kaagad siyang sinapak  at pinagtulungan ng magkapatid.

“Akala siguro niya e aawayin ko siya, kaya inunahan ako, paano ko gagawin ’yun e ka­angkas ko sa likod yong 6 taong gulang kong anak na babae. Marami na ang galit diyan pati mga bata sa amin binabatukan niya, pulis pa naman siya tapos ganon ang ugali niya”, ayon sa biktima.

Nakatakdang mag­harap ang biktima at  ang magkapatid na Laus sa tanggapan ng MPD-GAS upang matukoy ng pulisya ang pananagutan ng bawat isa.

BIYERNES

CHRISTOPHER DAVID

FAVIA

FAVIA ST. TONDO

ISANG

JEFFREY LAUS

MANILA POLICE DISTRICT GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with