^

Metro

Suspect nagpakilalang apo ni dating Sen. Arturo Tolentino: Mag-iina inararo ng kotse: 1 patay, 2 kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng receptionist habang kapwa malubhang na­sugatan ang ina at kapatid nito makaraang mabundol ng isang rumaragasang kotse na minamaneho ng nagpakilalang apo ni da­ting Senador Arturo Tolentino, sa Mandaluyong City.

Nakilala ang nasawi na si Nikki Joy Jayona, 23, receptionist ng kompanyang Office Lux na nasa Boni Avenue, ng naturang lungsod at naninirahan sa Anakpawis 2 West Bank Road, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Isinugod naman sa Victo­r R. Pontenciano Me­dical Center at nasa kritikal na kalagayan ang 17-anyos nitong kapatid na si Nicole habang malubhang na­sugatan ang kanilang ina na si Ma. Teresa Jayona.

Arestado naman ang driver ng Honda City (NTO-231­) na si Joseph Tolentino, 21, ng Unit 5 Spring Green Townhouse, Xavier­ville 1, Quezon City at nagpakilalang apo ni dating Senador Tolentino.

Sa ulat ng Mandaluyong Police, papatawid sa Westbound lane ng Shaw Bou­levard sa Brgy. Highway Hills ang mag-iina upang magsimba dakong alas-6:30 ng umaga nang mabundol ng rumaragasang kotse na minamaneho ni Tolentino.

Tinangka pa umanong takasan ng driver ang mag-iinang biktima ngunit nahabol ng isang concerned citizen na nakamotor at naharang ito hanggang sa makahingi ng saklolo sa mga awtoridad.

Iniimbestigahan naman ng mga pulis ang posibilidad na nasa impluwensya ng alak ang suspek nang maganap ang aksidente.

Nahaharap ito ngayon sa kasong homicide at double frustrated homicide thru reckless imprudence sa korte.

 

vuukle comment

BONI AVENUE

BRGY

HIGHWAY HILLS

HONDA CITY

JOSEPH TOLENTINO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG POLICE

NIKKI JOY JAYONA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with