^

Metro

7 sasakyan nagkarambola

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkarambola ang pitong sasakyan makaraang mawalan ng kontrol ang isang trailer truck na may kargang buhangin  sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng tanghali.

Ayon kay P/Supt. Reynaldo Nava, hepe ng Manila Traffic Bureau, dakong alas- 12:30  nang  araruhin ang may 6 na  sasakyan dahil sa pag-atras ng 10-wheeler truck na may plakang PYK 654 na minamaneho ng isang Leonil T. Tabornal.

Nagmula umano sa Plaza Avelino at patungo ng Quirino Avenue ang truck ng buhangin.

Kabilang sa napinsala ang isang Toyota Vios (PUO-835), minamaneho ng isang Jean Carlo Ferrer; Volks­wagen (AAK-785); Toyota  Corolla (TPZ-451); Mita Montero  (PAT-55),  isang taxi (TYV-612) at isa pang taxi (UVZ-423).

Naging dahilan ito upang  pansamantalang isara ang southbound lane na nagsanhi sa matinding trapik.

Iniimbestigahan na ang mga driver ng mga sa­sakyan kabilang ang mismong driver ng ten-wheeler truck na po­sibleng masampahan ng patung­-patong na kaso.

 

vuukle comment

JEAN CARLO FERRER

LEONIL T

MANILA TRAFFIC BUREAU

MITA MONTERO

PLAZA AVELINO

QUIRINO AVENUE

REYNALDO NAVA

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with