^

Metro

Vice Mayor Isko Moreno inaresto sa bingo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) si Manila Vice Mayor Isko Moreno at apat pang kon­sehal kaugnay ng isina­gawang pa-bingo sa Tambunting, Sta. Cruz, Maynila kahapon ng hapon.

Dinala sa nasabing him­pilan ng pulisya sina Moreno kasama sina  Konsehal Joel Chua, Re Fugoso, Jong Isip, at Yul Servo nang dambahin dakong alas-3:30 ng ha­pon habang isinasagawa ang pa­bingo sa nasabing barangay.

Dahil dito, bahagyang nag­­karoon ng tensyon sa lugar. Ayon kay Moreno, ma­­linaw na political harass­ment ang ginawa sa kanila dahil ang bingo ay wala na umano sa hanay ng mga illegal na sugal. Nagta­taka naman sila kung ano ang kanilang kakaharaping kaso bagama’t sinabing isa ang illegal­ gambling­ na ikakaso sa kanila­.

Kinondena ni Moreno ang umano’y marahas na pagda­kip sa kanila dahil masyado umanong marami ang mga pulis na umaresto sa kanila samantalang nagkakasa­yahan lamang ang  mga residente ng Tambunting.

Bunsod nito, mabilis namang nagtungo si dating Pa­­ngulong Joseph Estrada upang damayan ang kanyang mga ka-partido sa nalalapit na halalan.

Paliwanag ni Moreno, hindi pa naman ilegal ang kanilang  ginawa  dahil ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes sa Marso 29 pa ang simula ng  kampanya ng mga local officials.

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

JONG ISIP

JOSEPH ESTRADA

KONSEHAL JOEL CHUA

MANILA POLICE DISTRICT

MORENO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with