^

Metro

Ginang pumalag sa holdap, utas sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dead-on-the-spot ang isang 52-anyos na biyuda nang barilin ng  riding-in-tandem makaraang pumalag sa holdap sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si  Della Matammu  Addun, residente ng Paz St., Paco, Maynila.

Bagamat may saksi sa ginawang pamamaril sa biktima, hindi naman naplakahan ang motorsiklo ng tumakas na mga suspect at armado ng .9mm na baril.

Sa ulat ni SPO1 Jose  Gumilan  ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw, nang maganap ang nasabing krimen­ sa panulukan ng Paz at Trese de Augusto St., sa Paco sakop ng Brgy. 679,  Zone 75,  District 5.

Ayon sa saksing si Liwayway Dondon, 47, vendor, nakita niya  ang biktima na naglalakad nang lapitan at barilin sa mukha ng isa sa riding-in-tandem.

Wala nang nakitang pera sa katawan ng biktima maliban sa dala umanong bayong para sa pamamalengke ng paninda. Hinihinalang hinoldap ito at natangayan ng pera.

vuukle comment

ADDUN

AUGUSTO ST.

AYON

BAGAMAT

DELLA MATAMMU

LIWAYWAY DONDON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with