^

Metro

2 bebot itinumba sa Las Piñas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang babae ang nasawi makaraang pagsasaksakin ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki matapos ang mainitang pagtatalo sa gitna ng kalsada sa Las Piñas City kahapon ng madaling-araw.

Agad na nasawi ang biktimang nakilalang si Aranza Mendez, habang nalagutan ng hininga sa Las Piñas District Hospital ang kasamahan nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ernesto Bautista, Jr. ng Criminal Investigation Unit ng Las Piñas Police, kasamang naglalakad ng mga biktima ang tatlong lalaking suspek sa kahabaan ng Canaynay Road dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Ayon sa nakasaksing residente na si Marina Villa­mor, nagising siya sa pagsisigawan ng mga babae at lalaki.  Dito niya nakita na bumunot ng patalim ang mga lalaki at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang dalawang babae bago nagsitakas.

Sinabi ni Las Piñas Police chief, Sr. Supt. Adolfo Samala, posibleng may kaugnayan sa iligal na droga­ ang naturang krimen makaraang mabatid na dati nang may kaso sa iligal na droga ang nasawing si Mendez.

Dahil dito, patuloy pa ang isinasagawang mala­ limang  imbestigasyon dahil sa posibilidad na isang ma­laking sindikato ng iligal na droga ang may kagagawan ng krimen.

ADOLFO SAMALA

ARANZA MENDEZ

CANAYNAY ROAD

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DISTRICT HOSPITAL

ERNESTO BAUTISTA

LAS PI

MARINA VILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with