^

Metro

Utol tinodas ni kuya, dahil sa ulam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa ulam na lumpiang shanghai, nasaksak at napatay ang isang 34-anyos na lalaki ng kanyang kuya sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Namatay habang gina­gamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Cristobal Cabral, ng Romualdez St., Tondo,  sanhi ng saksak sa likod.

Naaresto naman ang suspect na kuya nito na kinilalang si Cristino Cabral, 37, ilang oras matapos ang krimen.

Sa ulat ni PO3 Crispino Ocampo ng MPD-Homicide Section,  dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang pananaksak sa harapan ng bahay ng magkapatid.

Nabatid na noong Huwebes ng gabi, nagkainitan na ang magkapatid matapos sitahin ng  biktima ang suspect hinggil sa kinaing lumpiang shanghai na nasa refrigerator. Sobrang galit umano ng biktima dahil  para sa kanyang mga anak ang itinirang lumpia na pinapak umano ng suspect.

Upang mapahupa ang away,  umalis  ang suspect at nakitulog sa kaibigan at kinabukasan ng hapon ay umuwi ito subalit  mainit pa rin ang ulo ng nakaba­batang kapatid at pinagmumura ito.

Unang nauwi sa suntukan hanggang sa paluin umano ng baseball bat sa binti at ulo ang suspect hanggang sa paglabas ng bahay ay nakakita ng kutsilyo sa tindera ang suspect na siyang ginamit sa pananaksak sa kapatid.

 

vuukle comment

CRISPINO OCAMPO

CRISTINO CABRAL

CRISTOBAL CABRAL

DAHIL

HOMICIDE SECTION

HUWEBES

ROMUALDEZ ST.

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with