Away-kasintahan: Nurse nagbigti sa aparador
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dinamdam ng 23-anÂyos na nurse ang pag-aaway nila ng kanyang boyfriend kaya nagdesisyong itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Masagana, Quezon City kahapon ng umaga.
Bandang alas-6:10 ng umaga nang madisÂkubre ang nakabiting kaÂtawan ni Eufrocina Amor Agustin na nasa loob ng aparador.
Ayon kay PO3 Erickson Isidro, ang biktima ay bagong nurse pa lamang sa Quirino Memorial Medical Center.
Sa ulat ni P/Insp. Elmer Monsalve, hepe ng Homicide Section, ang biktima ay mayroon ding sugat sa kanang pulso maliban sa bakas ng lubid sa leeg.
Napag-alamang tinaÂtawag ng ama ang bik tima para mag-almusal pero hindi sumasagot kaya nagpasya itong punÂÂtahan sa kuwarto.
Subalit naka-lock ang kuwarto kaya ginamit ang reserbang susi at nadiskubre ang biktimang nakabitin.
Huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang syota noong Miyerkules ng gabi bago ito mag-suicide.
Ayon sa pamilya, wala rin umanong ideya ang mga magulang ng biktima kung ano ang pinagtalunan ng magka sintahan.
- Latest