^

Metro

Hiniwalayan ng nobya, kelot nagbigti

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Ayoko nang mahirapan. Mahal na mahal kita, Beng. Patawad at salamat”.

Gamit ang lipstick, isi­nulat  ni Romano Maglalang, 23,  ng Ligaya St., Sta. Ana, May­nila  ang mensahe sa dingding ng comfort room para sa kasintahang nakilala sa pangalang Beng bago ito nagbigti.

Ayon kay Det. John Charles Duran ng MPD-Homicide­ section, dakong alas-5 ng umaga nang madiskubre ng ina nitong si Christine ang  bangkay ng anak na nakabigti sa loob ng kanilang banyo.

Sinabi ni Duran, gusto umanong makipagbalikan ng biktima sa kanyang nobya­ pero tumanggi ang huli dahil nakakatunog na umano ang asawa nito sa kanilang relasyon.

“May asawa ’yong babae, nakikipag-break doon sa biktima dahil nakakahalata na raw ang kanyang mister,” ayon kay Duran.

Posible umanong mahal na mahal ng biktima ang kanyang nobya at hindi nito matanggap ang paghihiwalay nila na nagbunsod sa pagpapakamatay nito. Gayunman, inaalam din ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Cruz Funeral para sa safekeeping at awtopsiya.

vuukle comment

AYOKO

AYON

CRUZ FUNERAL

DURAN

GAMIT

GAYUNMAN

JOHN CHARLES DURAN

LIGAYA ST.

ROMANO MAGLALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with