^

Metro

14-anyos patay sa suntok ng 13-anyos

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kaso ng pangbu-bully ang naganap na ikinasawi ng isang 14 -anyos na batang lalaki matapos  na suntukin ng isa ring menor de edad sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Si Arjon Caber, 14, out of school youth ng Visayas Extension, Pingkian 3, Brgy. Pasong Tamo ay nadala pa sa ospital matapos na sumuka ng dugo pero binawian din ng buhay.

Ayon kay Insp. Elmer Monsalve, hepe ng homicide Investigation Section, ang suspect na itinago sa pangalang Junjun, 13 ay dinala na nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang disposisyon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Erickson Isidro, may-hawak ng kaso, lumilitaw na nangyari ang insidente sa compound ng Visayas Extension, Pingkian 3, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas- 3:30 ng hapon.

Base sa ilang saksi, ang biktima umano ay inaapi-api o binu-bully ng suspect na nagresulta sa mainitang pagtatalo.

Ang pagtatalo ay naging mainit hanggang sa suntukin ng suspect ang biktima sa likuran. Matapos nito nagpasya ang biktima na umuwi hanggang sa kalaunan ay sumuka ito ng dugo.

Dahil dito, agad na itinakbo ang biktima sa Bernardino General Hospital sa Quirino Highway kung saan siya binawian ng buhay habang ginagamot.

Dinakip naman ng barangay tanod ang suspect na totoy at dinala sa himpilan ng pulisya, hanggang sa i-turn-over ito sa DSWD.

 

vuukle comment

BERNARDINO GENERAL HOSPITAL

BRGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ELMER MONSALVE

ERICKSON ISIDRO

INVESTIGATION SECTION

PASONG TAMO

PINGKIAN

QUIRINO HIGHWAY

VISAYAS EXTENSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with