Taxi driver, tugis sa pagtangay sa bagahe ng pasahero
MANILA, Philippines - Tinangay ng isang hindi kilalang taxi driver ang mahahalagang gamit ng dalawa niyang pasahero na nakalagay sa loob ng compartment ng sasakyan makaraang bumaba ang mga biktima kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Umaabot sa kabuuang P43,000 ang halaga ng mga kaÂgamitang natangay mula sa mga biktimang sina Andrei Bal tazar, 23, at sa nurse na si Grace Vargas, 23, na nakalagay sa kani-kanilang luggage bag na inilagay nila sa compartment ng sinakyang taxi na may plakang UGV-274.
Sa imbestigasyon ni PO3 Mariano Pata, Jr. ng Investigation Section, Pasay City Police, nabatid, na sumakay ang mga biktima sa pila ng mga taxi sa Trinoma Mall sa Quezon City pasado alas-10:00 ng gabi at nagpahatid sa Andrew Avenue sa Pasay City.
Pagsapit sa naturang lugar, unang bumaba ng sasakyan si Vargas upang kuhanin ang kanilang gamit sa compartment habang nagbabayad ang kasamang si Baltazar.
Matapos makapagbayad, bumaba na rin si Baltazar at inutusan ang driver na buksan ang compartment upang makuha nila ang kanilang mga gamit.
Sa halip na buksan ang compartment, pinaharurot na ng driver ang sasakyan patungong EDSA Avenue, tangay ang mga gamit ng mga biktima.
- Latest