3 sa Maynila, 2 sa QC 5 kawatan bulagta sa shootout
MANILA, Philippines - Tatlong holdaper at dalawang miyembro ng ‘Akyat bahay gang’ ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa magkahiwalay na engkuwentrong naganap sa Maynila at Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Sa Maynila, tatlong holÂdaper ng jeepney ang bumulagta matapos maka-engkuwentro ang mga tauhan ng Anti-Crime and Follow Up Unit ng Manila Police District-Station 3 sa Sta. Cruz, Maynila.
Pawang miyembro ng Batang City Jail ang mga nasawi base na rin sa nakitang tattoo sa kanilang mga katawan.
Narekober sa mga ito ang tatlong .38 revolver na may apat na bala at isang wallet na may lamang P6,770.
Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-2:45 ng madaling-araw naganap ang insidente sa panulukan ng CM Recto at T. Mapua Sts., sa Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na sumakay umano ang tatlo sa pampasaherong jeepney sa tapat ng Odeon/Vista Cinema at agad na naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap. Pinagkukuha ng mga ito ang mga gamit at pera ng apat na pasahero.
Naaktuhan naman ng mga pulis ang komosyon kaya nang lalapitan ay nakahalata ang mga suspect at agad na pinaputukan ang mga awtoridad kaya napilitan ang mga huli na gumanti ng putok na ikinasawi ng isa sa mga suspect. Nakatakbo ang dalawa pa na agad ring nakorner at pinaputukan ng mga pulis na siyang ikinasawi ng mga ito.
Samantala, dalawang hiÂniÂÂhinalang miyembro ng ‘Akyat Bahay gang’ ang nasawi rin makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis ilang minuto matapos na looban ng mga una ang isang opisina sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Senior Supt. Richard Albano, district director ng Quezon City Police, walang nakitang anumang identification card sa katawan ng mga nasawi na ang isa ay inilarawan na edad na 25-30, may tattoo sa kaliwang balikat, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at stripe na short pants; habang ang isa ay nasa pagitan ng edad na 30-35, may tattoo na “Alex 32 Advento†sa likod at kaliwang balikat, nakasuot ng asul na jacket at maong pants. Isa sa kanilang kasamahan na nakatakas ay tinutugis na ng awtoridad.
Nabatid na naka-engkuÂwentro ng mga pulis ang mga suspect makaraang masabat ang mga ito habang ikinakarga ang nakulimbat sa isang tricycle na walang plaka sa harap ng isang apartment type sa #90-B Broadway, corner 4K St., Brgy. New Manila, ganap na alas-11:55 ng gabi.
Bago ito, pinasok umano ng tatlong suspect ang nasabing apartment na pag-aari ng isang Boy Pantoja, 52, negosyante at tinangay ang ilang importanteng kagaÂmitan dito.
Nang aktong papalapit ang mga awtoridad para i-check ang tricycle ng mga suspect, bigla na lamang umanong pinaharurot ng isa sa mga suspect ang tricycle patungo sa Aurora Blvd., at iniwan ang dalawang kasamahan nito.
Ipinasya ng dalawang suspect na paputukan ang mga awtoridad na naging ugat upang gumanti ng putok ang mga huli at mauwi sa engkwentro na ikinasawi ng dalawang suspect.
- Latest