^

Metro

Bebot, todas sa pamamaril ng sekyu

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang nasawi makaraang barilin ng security guard ng isang private compound nang mamataan ang biktima na kahina-hinalang gumagala sa binabantayan nitong puwesto, kamakalawa ng madaling araw sa Parañaque City.

Patuloy na kinikilala ng pulisya ang nasawing biktima na nagtamo ng tama ng bala sa may kili-kili.

Nakuha sa posesyon nito ang cutter plier, swiss knife at isang matulis na bakal kaya hinihinalang pag­na­nakaw ang motibo nito.

Sa halip na harapin naman ang imbestigasyon, tumakas ang sekyu na si Jonathan Lasado, ng Red Eye Security Agency at nakatalaga sa Bio Research compound na nasa Dr. A. Santos Avenue, BF Homes, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Parañaque City Police, naganap ang pamamaril dakong ala-1 ng madaling-araw.  

Ayon kay Alfonso Bernardino, officer-in-charge (OIC) ng Red Eye Security Agency, nagtungo sa kanya si Lasado at iniulat ang nagawa niyang pagbaril sa isang hindi nakilalang tao na sinasabi nitong magna­nakaw sa isang bahagi ng compound.

Habang iniuulat ni Bernardino ang pangyayari sa kanilang opisyal, nagpasyang tumakas na si Lasado at iniwan ang 12 gauge shotgun at .9mm pistol nito.

Sinabi ni Bernardino sa pulisya na madalas na may nangyayaring na­kawan sa loob ng tinatanuran nilang compound kaya’t posibleng pagnanakaw ang pakay ng biktima na nabaril ni Lasado.

Handa naman umanong tumulong ang kanilang ahensya sa pagsuko ni Lasado upang harapin ang pangyayari at ipagtanggol ang sarili.

 

vuukle comment

ALFONSO BERNARDINO

BERNARDINO

BIO RESEARCH

CITY POLICE

DR. A

JONATHAN LASADO

LASADO

RED EYE SECURITY AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with