Police QC huli sa video habang nag-aagawan sa nakumpiskang mga paputok
MANILA, Philippines - Mahaharap sa kasong administratibo ang sinumang pulis na mapapatunayang sangkot sa isyu ng agawan ng mga nakumpiskang paputok para sunugin matapos na iprisinta sa media ng Quezon City Police District.
Ito ang pangako ni QCPD deputy director Senior Supt. Neri Ilagan sa mga tauhang nakita sa video footage na nakipag-agawan sa mga paputok dahil sa umano’y paglabag sa batas na itinatadhana kaugnay dito.
Ang isyu ay nag-ugat nang lumabas ang video footage sa isang radio network na nag-aagawan sa mga paputok ang ilang mga pulis matapos na iprisinta sa mga mamamahayag, para wasakin.
Ayon kay Ilagan, kailangan lang anya na makita nila ang video footage upang matukoy nila kung sinu-sino ang sangkot na pulis at masampahan ng karampatang kaso.
Sa sandaling makuha at malaman nila ang mga sangkot, maaaring maharap umano ito sa kasong administratibo bunsod ng umano’y mga mali nilang aksyon.
Kapag nagawa na ang full blown investigation ay saka iti-turn-over ito sa National Capital Region kung saan ang sinasabing sangkot na pulis ay hahatulan.
- Latest