^

Metro

Firecrackers zone sa bawat brgy., giit ng Bureau of Fire

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Para mabawasan ang problema sa mga napupu­tukan sa tuwing magse­selebra ng Bagong Taon, hinikayat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng firecraker at pyrotechnic zone sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Officer-in-Charge C/Supt. Ruben F. Bearis, Jr. ginawa nila ito ayon sa direktiba ng DILG na ipatupad ang Republic Act No.  7183 na magre-regulate sa pagbebenta, paggawa, distribusyon at paggamit ng mga paputok sa mga lokal na pamahalaan.

Sabi ni Beariz, ang pagta­talaga ng mga “firecracker and pyrotechnic zones” sa bawat probinsya, muni­sipalidad, siyudad at ba­rangay ay makakatulong ng malaki para maging ligtas sa disgrasya ang pagsalubong sa Bagong Taon, gayundin para maka­iwas sa posibleng mang­yaring sunog.

Nauna rito, naalarma ang BFP sa bilang ng mga insidente ng sunog at mga nasugatan sa mga paputok hindi pa man sumasapit ang Bagong Taon.

Giit ni Bearis, bilang parte ng ‘Oplan Paalala’ at ‘Oplan Iwas Paputok ‘ ng BFP, pina­igting ng kagawaran ang pagsisiyasat sa mga establisyemento na gumagawa ng distribusyon at pagbebenta ng pyrotechnics.

Gayundin naman sa mga nagbebenta ng iligal na paputok sa mga lansangan.

BAGONG TAON

BEARIS

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF FIRE PROTECTION OFFICER-IN-CHARGE C

OPLAN IWAS PAPUTOK

OPLAN PAALALA

REPUBLIC ACT NO

RUBEN F

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with