^

Metro

Among inireklamo ng katulong, pinayagang magpiyansa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Quezon City court na makapagpi­yansa ng halagang P300,000  sa kasong serious illegal detention at physical injuries si Reynold Marzan na isinampa ng katulong na si Bonita Baran na si­nasa­bing minaltrato at inabuso ng kan­­yang mga amo.

Sa 17 pahinang desis­ yon ni QC RTC branch 77 Judge Germano Francisco Legaspi pinayagan niyang pansamantalang makalaya mula sa kulungan si Rey­nold dahil wala naman umano itong direktahang kinalaman  sa sinasabing pananakit at pagkulong kay Baran dahil nagaganap ang krimen tuwing ito ay nasa kanyang opisina.

Hindi naman pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang misis nitong si Annaliza Marzan dahil nakakita ang korte ng sapat na ebidensya para madiin ito sa kasong illegal detention at serious physical injury

Sa korte, sinabi din ni Baran na mismong si Anna­liza lamang ang umano’y na­nanakit sa kanya at nagkukulong sa kanya sa sto­rage room.

Nilinaw din sa korte na mananagot lamang si Reynold sa batas dahil sa ginawang pagpapabaya at hindi nito pinigilan ang ginawang pang-aabuso ng kanyang asawa kay Baran.

ANNALIZA MARZAN

BARAN

BONITA BARAN

JUDGE GERMANO FRANCISCO LEGASPI

NILINAW

PINAYAGAN

QUEZON CITY

REYNOLD

REYNOLD MARZAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with