^

Metro

Lalaki nagpaalam sa mga kainuman, bago nag-suicide

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagawa pang magpaalam ng isang lalaki sa kanyang mga kainuman bago ito nagpatiwakal kahapon ng madaling-araw  sa Malabon City.

Patay na nang makita ang biktimang si Rolando Lachica Jr., 22,  ng Celia St., Brgy. Bayan-Bayanan ng nabanggit na  lungsod matapos itong magbigti.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa kanilang lugar nang magpaalam ito sabay sabing “Mga pare, puntuhan ninyo na lang ako sa punerarya”.

Pumasok na sa kanilang bahay ang biktima at natulog na sa lamesa. Dakong ala-1:00 ng madaling-araw, pumasok sa bahay ang tiyuhin ng biktima upang palipatin sa higaan ang pa­mangkin, subalit laking gulat nito nang makitang patay na habang nakabigti ng nylon cord.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo at kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

BAYAN-BAYANAN

BRGY

CELIA ST.

DAKONG

INAALAM

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NAGAWA

ROLANDO LACHICA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with