^

Metro

Kelot na nagpakalat ng sex video, kulong

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Himas rehas ngayon ang isang lalaki makaraang ipaaresto ng kanyang dating girlfriend dahil sa umano’y pagpapakalat ng kanilang sex video matapos ang kanilang break up sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police Station 9, ang suspect ay kinilalang si Paulo Erlano, 19, editorial secretary at residente ng P. Bautista St., Brgy. Pansol. Siya ay inaresto ng operatiba base sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Maria, 16, na dati niyang syota.

Ayon kay PO2 Sofia C. Caparosso, sa loob ng buwan ng Mayo hanggang Nov. 15, 2012 ang biktima at suspect ay nagkaroon ng pagtatalik kung saan kinunan umano ng huli ng videos.

Oktubre 2012, nakipaghiwalay ang biktima sa suspect na ikinagalit nito. Kaya sa pamamagitan ng teks ay tinakot ng suspect ang biktima na ipapasa niya at ida-download ang sex videos nila, at ipapasa sa iba na ginawa nga nito. Sa pagsisiyasat, nang makita ng biktima ang sinasabing video nilang dalawa ng dating kasintahan matapos ipasa sa kanyang kaibigan ay nagpasya na itong maghain ng reklamo at ipaaresto ang suspect.

Kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-photo and voyeurism ang kinakaharap ngayon ng suspect.

 

AYON

BAUTISTA ST.

BRGY

CAPAROSSO

HIMAS

KASONG

PAULO ERLANO

QUEZON CITY POLICE STATION

REPUBLIC ACT

SOFIA C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with