^

Metro

Lim, Fugoso namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkahalong tuwa at pagkagulat ang nakita sa mga  biktima ng sunog sa Maynila nang mag-abot sina Manila Mayor Alfredo Lim at 3rd district Councilor Re Fugoso na kaalyado ng pinatalsik na dating pangulong Joseph Estrada sa pagbibigay ng  mga relief goods  sa  panulukan ng Yuseco St.  at  Rizal Avenue.

Unang dumating si Fu­goso na namahagi ng tulong sa  mga residente at nakipag-usap sa  kay Jay dela Fuente, director ng department of social welfare-Manila. Nalaman ng konsehal na parating si Lim kung kaya’t minabuti nitong hintayin at tumulong sa pamamahagi.

Umalis lamang si Fugoso matapos ang pamamahagi nila ng  alkalde ng relief goods  at sumakay na sa kanyang sasakyan ang huli. Samantala, namahagi  din ng relief goods at financial assistance sa 400 senior citizens  si Lim sa mga naapektuhan ni “Habagat”.                                     

Kasama ni Lim  sa pamamahagi ang kanyang vice-mayoral candidate, 6th district Councilor Lou Veloso, Councilor Niño Dela Cruz, 1st district Councilor candidates Joey Venancio at Raffy Jimenez at Manila Lions Club International Foundation sec­retary-general Rey Oriel sa Wagas covered court at Lakan­ dula High School sa Tondo. 

“Bakit kayo bibigyan nitong tulong na ito? Una, bilang pagkilala sa utang na loob, dahil noong kabataan ninyo ay nagbigay naman kayo ng contribution para sa Maynila. Noong kayo ay nagtatrabaho, noong kayo ay may negosyo, nagbabayad kayo ng buwis kaya nakakatulong kayo sa pag unlad ng Lungsod ng Maynila,” ani Lim.

COUNCILOR LOU VELOSO

COUNCILOR NI

COUNCILOR RE FUGOSO

DELA CRUZ

HIGH SCHOOL

JOEY VENANCIO

JOSEPH ESTRADA

MANILA LIONS CLUB INTERNATIONAL FOUNDATION

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with