^

Metro

Obrero dedo sa kuryente

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay sa live wire ang isang 54-anyos na obrero nang aksidenteng madikit umano ang hawak na metro o metal na panukat sa pader, habang nakatuntong sa scaffolding ng itinatayong gusali sa Intramuros, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Seaman’s Hospital ang biktimang si Sergio Sampaya, bunga ng pagkakuryente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon ng maganap ang insidente sa ika-3 palapag ng itinatayong AMOSOP Sailor Home project sa Cabildo St., Intramuros, Maynila.

Nakatuntong umano ang biktima sa isang scaffolding sa 3rd floor, habang sinusukat ang pader nang madikit umano ang hawak na metro sa linya ng kuryente at nangi­say ito at nahulog pa.

Nang imbestigahan, ilang mga paglabag sa safety mea­sures umano ng sub-con­tractor na pag-aari ng isang Bobby Ganzan o ang mismong contractor na FAJ Construction and Development Corporation ang nakita na maaaring panagutan sa biktima kabilang ang hindi pagsusuot ng helmet at safety belt; kawalan ng safety net para maiwasan ang pagka­kahulog ng kanilang trabahador; kawalan ng close su­pervision sa kanilang mga obrero habang nagtatrabaho, at  pagpapabaya na may bukas na linya ng kur­yente ng Meralco nito.

 

BOBBY GANZAN

CABILDO ST.

CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT CORPORATION

INTRAMUROS

MAYNILA

MERALCO

NAKATUNTONG

NANG

SAILOR HOME

SERGIO SAMPAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with