^

Metro

Swimmer na pulis, patay sa lunod

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis Quezon City ang nasawi ma­tapos na malunod nang makipagkarera sa mga kasamahan niyang pulis sa paglangoy sa isang swimming pool sa nabanggit na lungsod kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si PO2 Joseph Ilano, 36, at nakatalaga sa District Police Human Resources Department (DPHRDO)  sa QCPD at  naninirahan sa SSS Village, Concepcion, Marikina City.

Ayon kay SPO4 Leonardo Pasco, ng Cri­minal Investigation and Detection Unit ng QCPD, naganap ang insidente pasado alas-4:45 ng hapon sa swimming pool sa Club house ng St. Charbel Executive Village sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Brgy. Tandang Sora sa lungsod.

Kaugnay nito, inalis na ng QCPD ang anggulong foul-play sa pagkalunod ni Ilano, dahil kumbinsido sila at maging ng pamilya ng biktima na aksidente ang pagkamatay nito matapos  mapanood sa CCTV video ang pangyayari. Malaki ang paniwala nilang pinulikat o inatake sa puso ang biktima kaya ito nalunod.

Sinasabing nagkayayaan mag-swimming ang pitong pulis kasama ng biktima matapos ang araw ng kanilang physical fitness test.

Dito nagkasundo ang biktima at dalawa pang pulis na sina PO2 Jeffrey Pabalan at PO2 Warlito Cagurungan na magkarera sa paglangoy at walang anu-ano ay biglang naglaho sa tubig ang biktima.

Sinasabi naman ng mga kasamahang pulis ni Ilano  na ito ay isang magaling na swimmer at sa katunayan ay ito ang naitalagang faci­litator sa taunang physical fitness test ng mga pulis sa Quezon City kaya’t di nila akalain na masawi ang biktima sa paglangoy.

DISTRICT POLICE HUMAN RESOURCES DEPARTMENT

ILANO

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

JEFFREY PABALAN

JOSEPH ILANO

LEONARDO PASCO

MARIKINA CITY

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY

ST. CHARBEL EXECUTIVE VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with