^

Metro

Actor na si Matt Evans, inaresto sa pambubugbog sa live-in partner

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang Kapamilya Fil-Am actor na si Matt Evans matapos na umano’y bug­bu­gin ang kanyang bagong pa­­nganak na live-in partner, ga­yundin ang kapatid nito sa loob ng kanilang tahanan sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyan nakadetine sa Pasig City Police si Evans bunsod ng reklamo ni Johnelline Hickins, 20, estudyante at kapatid nitong si Juan Alberto Carlotta.

Batay sa inisyal na ulat ni SPO1 Lardy Ignacio ng Pasig City Police, dakong alas-11 ng Sabado ng gabi nang mangyari ang insidente nang pambubugbog kay Hickins at kapatid nito sa Mercedes Ave­nue, San Miguel, Pasig.

Nauna rito, nagpaplano umano ng isang surprise birthday party para sa ika-26 taong kaarawan ni Evans ngayong araw (Oktubre 22) si Hickins at kapatid nito nang magkaroon nang mainitang pagtatalo ang  actor na umuwi ng lasing, at ang kinakasama.

Dahil sa pag-aaway ng dalawa ay naitulak umano ni Evans ang babae sanhi upang mahulog ito sa hagdan at dahilan upang makialam na ang ka­patid ni Hickins na si Carlotta.

Tinangka umano ni Car­lotta na pigilan ang actor sa pananakit sa kaniyang ka­patid, na kapapanganak pa lamang noong nakaraang buwan, ngu­­nit maging siya umano ay si­­nipa nito sa mukha.

Nagkaroon pa umano ng hamunan ang dalawang lalaki na kapwa naghawak pa ng pa­talim, ngunit naawat naman ito ni Hickins. Nang dumating ang mga awtoridad ay saka lamang inaresto ang actor at dinala sa himpilan ng pulisya.

Nagtungo na ang mga abogado at kinatawan ng Star Ma­gic, na siyang humahawak ng career ni Evans, sa Pasig City Police headquarters ngu­nit tumangging magkomento ang mga ito hinggil sa kalagayan ng actor.

Si Evans na sumikat matapos na magbida sa progra­mang Komiks: Da Adventures of Pedro Penduko ng ABS-CBN, ay nakatakda umanong sampahan ng kasong violence against women at phy­ sical injuries.

 

vuukle comment

DA ADVENTURES OF PEDRO PENDUKO

HICKINS

JOHNELLINE HICKINS

JUAN ALBERTO CARLOTTA

KAPAMILYA FIL-AM

LARDY IGNACIO

MATT EVANS

MERCEDES AVE

PASIG CITY POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with