^

Metro

Mister inutas ni misis habang natutulog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil umano sa pagiging lasenggo, nagawang saksakin hanggang sa mapatay ng kanyang misis ang isang mister habang nasa kasarapan ng pagtulog ang huli, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Nakilala ang nasawi na si Octavio Elayda, Jr., 36, security inspector ng Superior Security Services, Inc., at naninirahan sa  Brgy. Olympia, ng naturang lungsod.
Agad namang nadakip ang misis na suspek na nakilalang si Annalyn Elayda, 32, na nahaharap sa kasong parricide.
Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang pananaksak sa biktima dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay habang mahimbing na natutulog ang biktima.
Nauna rito, nakikipag-inuman ang mister sa kapitbahay nang dumating ang misis na si Annalyn at sa harap ng mga kabarkada ay inutusan itong umuwi na. Dahil sa napahiya, nagalit ang biktima na nagresulta sa pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa kanilang pag-uwi.
Gayunman, nang natutulog na ang mister ay dito ito sinaksak ng galit pa ring misis hanggang sa mapatay.

vuukle comment

ANNALYN

ANNALYN ELAYDA

BRGY

DAHIL

GAYUNMAN

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

NAKILALA

OCTAVIO ELAYDA

SUPERIOR SECURITY SERVICES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with