Tsinoy timbog sa kilu-kilong shabu

MANILA, Philippines - Arestado ang isang Tsinoy matapos makumpiskahan ng kilu-kilong shabu sa loob ng bahay nito sa Malabon City kamakalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon City Police ang suspek na si Jimmy Ang “alyas Jimmy Lim”, ng Liwayway St., Brgy. Tugatog ng lungsod na ito.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na sangkot sa droga ang suspek, na naging dahilan upang kumuha ng search warrant kay Judge Carlos Flores ng Regional Trial Court, Branch 73, Malabon City.

Dakong alas-4:00 ng hapon, sa bisa ng search warrant ay sinugod ng mga pulis ang magka­tabing bahay ng suspek kung saan nakuha ang anim na malalaking plastic at isang plastic container na naglalaman ng mga shabu.

Agad na dinala ang suspek sa presinto ha­bang inaalam pa kung ilang kilo ang nasamsam na shabu at kung saan ito galing.

Show comments