Kelot itinumba ng riding-in-tandem

Manila, Philippines - Utas ang isang lalaki nang pagbabarilin ito ng riding in tandem habang sugatan naman ang isang dalaga nang tamaan ito ng ligaw na bala kahapon sa Caloocan City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Rafael Santillan, 46, ng East Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod, habang nagtamo naman ng tama ng bala sa balikat si Leslie Alalid, 18, ng Masigasig Alley, ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Malolos Avenue, Bagong Barrio nang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi nakuha ang plaka at pagbabarilin ng suspek. Tinamaan naman si Alalid na nagbabantay ng kanilang tindahan. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

Show comments