Lady guard binutasan ng bala ang ulo

MANILA, Philippines - Butas ang bungo ng isang babaeng security guard makaraang barilin ng hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO2 Rhic Pittong, nakilala ang biktima na si Jennifer Tarnate, security guard sa isang Avon outlet na mata­tagpuan sa Quirino Highway, corner Jordan Plains Nova­liches sa lungsod.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspect na naka­suot ng kulay orange na jacket nang gawin ang naturang pamamaslang.

Nangyari ang insi­dente sa kahabaan ng Quirino Avenue, Brgy. Sta. Monica, ganap na alas-9 ng gabi habang naglalakad ang biktima papauwi nang sumulpot mula sa likuran nito ang suspect at bigla siyang barilin sa ulo.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktima na naka-uniporme pa nang mangyari ang pamamaril, habang ang suspect ay mabilis namang tumakas patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Ayon kay Pittong, base sa kanyang pagtatanong sa mga ka­kilala ng biktima, dati umanong may manli­ligaw ang biktima at madalas na sinusundo ito sa kanyang trabaho.

Subalit, ilang linggo­ ang nakalipas ay hindi na nagpakita pa ang lalaki matapos na umano’y bastedin ng nasawi.

Ang naturang anggulo, dagdag ni Pittong ang kanila ngayong tinututukan na po­sib­leng motibo sa isina­gawang pagpaslang sa biktima.

Show comments