MANILA, Philippines - Muling sinuyod ng grupo ni Navotas Mayor John Rey Tiangco at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga itinuturong drug dens sa lungsod, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay PDEA-NCR director Wilkins Villanueva, anim na magkakahiwalay na drug dens ang sinalakay ng grupo at matagumpay na nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Buboy Tibayan, Kris Parañaque, Roberto Baluyot, Elvira Panganiban at may mga alyas na Entong at Boyet. Nasamsam mula sa kanila ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalias.
Nagsimula ang operation bandang alas-4:00 ng umaga sa Brgy. Tangos at isinunod na suyurin ang dalawa pang barangay. Nag-ugat ang entrapment operation sa mga sumbong kay Mayor Tiangco ng ilang concerned citizens sa lungsod.
“Araw-araw ay nakakatanggap ako ng texts sa mga residente ng mga nasabing barangay ukol sa pagbabalik ng mga hinihinalang drug pushers matapos ang mahigit kumulang isang buwan mula nang unang magsagawa ng drug raid sa Brgy. Tangos (kung saan walong suspek ang nahuli at nakasuhan ng PDEA). Kasalukuyan ng nasa kustodya ng PDEA ang mga nahuling suspek at nasamsam na ebidensiya.