Binata sugatan sa tarak ni bayaw

Manila, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang isang binata matapos na pagsasaksakin ng kanyang bayaw kahapon ng mada­ling-araw sa Caloo­can City. Kasalukuyang ginagamot sa Jose Reyes Me­morial Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Mark Jordan Bro­queza, 26, ng Julian Felipe St., ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang bayaw ng suspek na si Julius Bryan Mateo, nakatira sa nabanggit na lugar. Ayon sa imbestigas­yon, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng maganap ang insi­dente nang narinig ng biktima ang suspek na nagwawala sa labas ng kanilang bahay na naging dahilan upang labasin ito ng una.

Sinita ng biktima ang bayaw na naging dahilan upang magtalo ang mga ito hanggang sa bumunot ng pa­ talim ang suspek at pinagsasaksak si Broqueza. Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang dinala naman ang biktima sa naturang pagamutan.  

Show comments