Babae binoga sa ulo

MANILA, Philippines - Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay bumibili ng pagkain sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Joanna Mora, 30, ng Bacog St., Brgy. Daanghari ng nabanggit na lungsod.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos ang isinagawang krimen.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi ay bumibili ng makakain ang biktima sa Fatima St. , Brgy. Daang Hari nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin ito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpaslang.

Show comments