Kuliglig driver patay, sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang 33-anyos na kuliglig driver nang barilin ng riding-in-tandem, habang nagpapakarga ng gasolina sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Enrico Evasco, residente ng Block 2 Lot 34 C.P. Garcia st., Tondo, Maynila.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect lulan ng isang itim na Mio Motorcycle.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:10 ng hapon nang maganap ang pagpaslang sa biktima sa tapat ng Petron Gasoline Station na nasa panulukan ng Rizal Ave., at Pampanga St., Sta. Cruz, Maynila habang nagpapakarga ng gasolina ng barilin mula likod ng mga suspect.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Show comments