2 buwan sanggol, dinukot

MANILA, Philippines - Isang 2-buwang sanggol na babae ang umano’y tinangay ng hindi nakikilalang suspect nang pansamantalang iwan ng nag-aalaga sa Paco, Maynila kamakalawa ng umaga.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) si Nerissa Pagar, tiyahin ng batang si Davrin Anne Ahamad, ng Int.7 Pedro Gil, Paco, Maynila para i-report ang pagkawala ng kanyang pamangkin sa loob ng kanilang bahay.

Ayon kay Pagar, dakong alas-9 ng umaga nang pansamantala niyang iwan ang sanggol na natutulog sa duyan para bumili ng bigas na isasaing pero pagbalik niya ay wala na ang sanggol sa duyan.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkawala ng sanggol.

Show comments