Ginang na may sakit sa pag-iisip, nagbigti

MANILA, Philippines - Isang babaeng may sakit sa pag-iisip ang nasawi ma­tapos itong magbigti kahapon sa Valenzuela City.

Kinilala ang nasawi na si Amy Soleta, 39, ng Oreta St., Brgy. Maysan ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat,   dakong ala-1:30 nang makatawag pansin sa kanilang mga kapitbahay ang walang humpay na pag-iyak ng siyam na buwang sanggol na lalaki ng biktima sa loob ng kanilang bahay.

Inalam naman ni Janel Santos, kapitbahay ng biktima ang dahilan ng pag-iyak ng sanggol kung saan dito tumambad sa kanya ang nakabigting si Soleta.

Lumalabas na may dipren­siya sa pag-iisip ang biktima at naipagamot na ito sa National Mental Hospital.

Show comments