MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III na dapat na magpaliwanag ng maayos ang Bureau of Corrections (BuCor) sa naganap na pamamaril sa isang preso ng kapwa niya preso sa loob ng Maximum Security Compound (MSC) ng National Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay Baraan, kailangang maging katanggap-tanggap ang paliwanag ni BuCor chief Gaudencio Pangilinan hinggil sa naturang insidente at kung paanong naipasok ang baril sa loob ng NBP gayung mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng deadly weapon sa loob ng piitan.
Sinabi ni Baraan, na ang insidente ay indikasyon umano ng pagiging maluwag ng mga guwardiya na dapat na tignan ng kagawaran.
Kahapon, iniulat na binaril at napatay ng isang bilanggo ang kapwa niya preso sa loob ng piitan.