Rambol uli sa Munti: 1 preso utas

MANILA, Philippines - Isa na namang bilanggo ang nasawi sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City maka­raang isang rambol ang su­miklab sa maximum security compound.

Nasawi makaraang pagtulungang bugbugin ng mga kapwa bilanggo ang presong si Raul Robares, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, at nahaharap sa kasong murder.

Sugatan naman ang kap­wa preso nito na si Mark Anthony Amorganda na unang hinalihaw umano ng saksak ni Robares.

Sa inisyal na ulat ni NBP Officer-in-Charge Supt. Ri­ chard Schwarzkoph, naganap ang insidente dakong alas-8 kahapon ng umaga. Bigla na lamang umanong naglabas ng patalim si Robares at hinalihaw ng saksak si Amorganda na tinamaan sa braso.

Dito pinagtulungang gul­pi­hin ng mga kapwa bilanggo si Robares hanggang sa maawat ng mga rumespon­deng jailguards. Isinugod pa sa NBP Hospital si Robares ngunit binawian rin ng buhay.

Pinaiimbestigahan naman ni Bureau of Corrections chief Gaudencio Pangilinan ang insidente upang alamin ang tunay na pangyayari at kung sinu-sino ang mga sangkot sa pagpatay kay Robares. Pi­naaalam din nito kung paano nakakapagpasok ng patalim sa kabila ng mahigpit na se­guridad na pinatutupad sa ma­ximum security compound.

Matatandaan na nitong Pebrero 15, isa ring bilanggo ang nasawi makaraang sumiklab rin ang riot sa isang basketball game sa loob rin ng maximum security compound. Matatandaan na na­kaditine rin sa maximum se­ curity compound ang kontrobersyal na si dating Batangas Governor Tony Leviste.

Show comments