18-anyos tinedyer nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding depression ang dumapo sa isang 18-anyos na tinedyer kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Valenzuela City kahapon ng umaga. Naisugod pa sa Valenzuela General Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Marck Nicko Trocio ng Brgy. General T. de Leon sa nabanggit na lungsod. Sa report ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto kung saan gumamit ng nylon cord na ikinabit sa window grill. Sinisilip ng pulisya ang sinasabing anggulong dismayado ang biktima sa panliligaw.

Show comments