Lalaki hulog mula 5th floor, lasog

MANILA, Philippines - Lasog ang isang 37-anyos na lalaki nang mahulog mula sa ikalimang palapag ng isang gusali matapos mawalan ng balanse sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Joselito Garcia, ng Unit 406 building 22 Permanent House Balut, Tondo, Maynila nang mabasag ang ulo at mukha nito at mag­ka­bali-bali ang katawan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan ng MPD-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa gusali ng building 22 Permanent House Balut Tondo, Maynila.

Bago ang insidente, umi­inom ang biktima kasama ng kanyang kapatid na si Roger Lumpero, 31, sa nasabing gusali.

Habang umiinom ay pina­panood niya ang kanyang kapatid sa paglalaro ng pool habang nakaupo sa terrace at mawalan ng balanse na naging dahilan ng kanyang pagkahulog at agarang kamatayan.

Show comments