^

Metro

Shooting ng pelikula sa major roads, kailangan muna ng permit sa MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang mga producers ng pelikula, lokal man o internasyunal, na ka­ilangan munang kumuha ng permit sa kanila bago magsagawa ng shooting sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ito’y makaraan ang ma­tinding pagsisikip ng trapiko na idinulot ng shooting ng tele­novela ng GMA-7 sa Buen­dia flyover sa Roxas Blvd., Pasay.

Sinabi ni MMDA Asst. General Manager Murph Carlos na walang permit sa kanila ang mga producers ng telenovela kaya inutusan nilang ihinto ang shooting.

Sinisisi kasi ng ilang “internet­ social media users­” ang MMDA dahil sa hindi pag-aabiso sa publiko at ka­walan umano ng sapat na traffic enforcers­ sa lugar nang akalain ng mga ito na may bumagsak na bus sa Buendia flyover.

Sa naturang shooting, isang pampasaherong bus ang sadyang isinabit at dahan-­dahan­ na ibinaba sa flyover na bahagi ng eksena.

BUEN

BUENDIA

GENERAL MANAGER MURPH CARLOS

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA

PASAY

PINAALALAHANAN

ROXAS BLVD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with