MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTO-LTFRB) kahapon ang random-free drug-testing sa mga pangunahing bus terminals sa Metro Manila, Metro Cebu at Bacolod City, sa ilalim ng Oplan Ligtas na Krismas program.
Ayon kay Transportation and Communications Secretary Mar Roxas II, ang drug testing ay gagawin mula December 21-23 kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga magbibiyahe ngayong holiday.
Gagawin din ang drug testing campaigns mula Enero 2-3, 2012 para matiyak na ligtas ang mga mamamayang pabalik sa kanilang tahanan.
Ang LTO at LTFRB officers ay magsasagawa ng random drug testing sa mga drivers at bus terminals sa Cubao, Pasay, at Sampaloc, sa Manila, North Terminal sa Bacolod City, at South Bus Terminal sa Bacalso Ave, Cebu City.
Nitong nakaraang linggo, nagtipun-tipon ang 19 attached agencies ng DOTC para bumuo ng plano na titiyak sa kaligtasan, abot kaya, at kampanteng pagbiyahe ng mga mamamayan maging sa lupa o sa karagatan, ngayong holiday season.